Fast Talk with Boy Abunda

Jak Roberto, nilinaw ang totoong relasyon nila ni Kylie Padilla

GMA Logo Jak Roberto and Kylie Padilla
Source: jakroberto/IG

Photo Inside Page


Photos

Jak Roberto and Kylie Padilla



Hindi maipagkakaila na maganda ang naging chemistry on at off cam ng My Father's Wife stars na sina Jak Roberto at Kylie Padilla. Kaya naman, tanong ng marami, sila na nga ba?

Sa pagbisita ni Jak sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 10, inamin ni Jak na hindi nila inasahan ang nabuong chemistry nila ni Kylie. Sa katunayan ay nagulat na lang sila na laman na sila ng mga reel sa social media.

Kaya naman, deretsahang tanong ni King of Talk Boy Abunda kay Jak, “Nililigawan mo ba si Kylie?”

Sagot ng aktor, “Hindi po, hindi po. We are so comfortable with each other kasi. Nag-work kami before sa Bolera.”

Ngunit pag-amin ni Jak, madalas na rin silang inaasar at binibiro ng kanilang co-stars at staff ng kanilang serye.

“Sa set kasi parang mga staff and mga co-actor namin, binibiro-biro na kami, inaasar na kami together,” pagbabahagi ng aktor.

Saad ni Jak, natuwa lang siyang makatrabaho si Kylie dahil mas open umano ito sa mga eksena, at wala nang walls o inhibitions na ipinapakita.

Aminado naman si Jak na hindi mahirap mahalin si Kylie kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon dahil sa pagiging open nito.

Saad pa ng aktor, “So for me, wala naman sigurong guy na hindi ma-i-inlove sa kaniya dahil ganu'n siya ka-genuine na tao. And kung bibigyan ako ng chance, siguro hindi pa ngayon kasi gusto kong ingatan 'yung kung ano 'yung meron kami bilang close na magkaibigan.”

Pag-amin ni Jak, ito ang unang pagkakataon na magkaroon siya ng babaeng best friend kay Kylie at gusto niyang alagaan muna iyon.

RELATED CONTENT: Kylie Padilla's Japan photos taken by rumored boyfriend spark netizens' curiosity


Through his lens
Cherry blossoms
Sister
Food
Harry Potter
Movies
Stolen shot
Vacation

Around GMA

Around GMA

Father, 2 kin arrested over gang rape of daughter
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu