#JakBie: Barbie Forteza and Jak Roberto through the years

Ang lakas talaga ng #JakBie!
Sina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa mga tunay na #RelationshipGoals. Naging malapit ang dalawang Kapuso stars nang magtambal sila sa Kapuso TV series na 'Meant To Be.' Kung sa kuwento ng programa ay hindi nagkatuluyan ang kanilang characters, wala namang nakapigil sa kanilang pagiging reel-to-real life couple.
Kahit nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon, pansin ang pagiging malapit ng dalawa sa pamilya ng isa't isa. Sa katunayan, para sa kanilang celebrations, suprises at maski na pranks ay madalas involved ang pamilya nila.
Pansin ding maraming pinagkakasunduan sina Barbie at Jak tulad ng pagva-vlog o TikTok, pagfu-food trip, pang-aasaran, at pag-alaga ng mga aso.
Sino nga bang hindi mapapa-#SanaAll sa #JakBie?
Silipin ang highglights ng kanilang love life sa gallery na ito.












































