Jamie Rivera, binalikan ang pagkawala ng kaniyang boses kamakailan bago ang isang concert

Puhunan ng bawat mang-aawit ang kanilang mga boses kaya naman nang mawala ito kay Jamie Rivera ilang buwan bago mag-concert, inamin ng 'The Inspirational Diva' na nagkaroon siya ng anxiety.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 1, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Jaime kung ano ang saloobin nito sa isang panayam ni Asia's Songbird Regine Velasquez patungkol sa pagbabago ng boses nito habang nagkaka-edad.
Sabi naman ni Jamie tungkol dito, “I think this hoarseness of our voices, it all happens to all, it happens to everybody, mostly singers. And as you age, parang siyempre, nagkakaroon kami ng parang kumbaga sa brake pads, nagagasgas 'yan, e kakagamit mo.”
“So same thing with us. 'Yung muscle namin and vocal chords, siyempre 'pag masyado na siyang gamit, you have to rest it, and it really becomes a source of anxiety Kuya Boy, kasi it happened to me just recently,” pagpapatuloy nito.
Dahil nabanggit na rin ni Jamie ang tungkol sa nangyari sa kaniya kamakailan, tinanong na ni Boy kung ano ang nangyari. Alamin ang kwento ng singer tungkol dito sa gallery na ito:









