advertisement
TV

Jamie Rivera, binalikan ang pagkawala ng kaniyang boses kamakailan bago ang isang concert

1 of 10

Raymond Launchenco concert

Kwento ni Jamie, may concert sila noong Pebrero ni Raymond Lauchenco. Dalawang buwan bago ang naturang concert, nawalan na ng boses ang singer.

2 of 10

Maraming factors

Ayon kay Jamie, maraming factors ang involved kung bakit siya nawalan ng boses, "I went on vacation in Vietnam and then we went to Taiwan, then after that, I went to America, then after that I went to Europe. So it's a combination of climate change or 'yung weather, paiba-iba 'yung weather, and at the same time, pagod na rin."

3 of 10

Dysphonia

Ani Jamie, pag-uwi ay umuubo-ubo na siya. At nang magpa-check up, nalaman na may dysphonia siya. "'Pag meron kang muscle na namaga because of rheumatoid arthritis. It's an autoimmune disease na 'pag meron kang rheumatoid arthritis, there's a certain muscle here (throat) that really parang inflamed," sabi ng singer.

advertisement
4 of 10

Voice rest

Umabot rin sa puntong kailangang mag-voice rest ni Jamie kaya naman dalawang buwan pa lang bago ang concert, wala na umano siyang kinakausap.

5 of 10

Anxiety

Sabi ni Jamie, sampung araw bago mag-concert, may lumalabas nang boses sa kaniya. Ngunit kasabay nito ay ang anxiety na baka hindi niya maabot ang high notes ng mga kanta.

6 of 10

Medical help

Sinigurado naman ng singer na makakuha siya ng tulong medikal. Lumapit na siya sa mga doktor at sinunod ang mga payo nila na ipahinga ang boses.

advertisement
7 of 10

Prayers

Pero hindi lang iyon ang due diligence niya, dahil lumapit din siya sa Panginoon at nanalangin. Sa katunayan, lumapit pa siya kay Saint Blaise, ang patron saint ng mga taong may voice illnesses.

8 of 10

Faith

Aminado naman si Jamie na ang sinusubok ay ang pananampalataya niya, "Hindi naman mangyari na the moment you received the blessing, hindi ka naman magkakaroon kaagad, e. You need patience, you need the blessings, you need the faith."

9 of 10

Cancellations

Nilinaw din ni Jamie na kahit hindi pa rin lumalabas ang kaniyang boses, ayaw niyang mag-cancel dahil bukod sa nahihiya siya kay Raymond, malaki ang paniniwala niyang babalik ang boses niya sa araw mismo ng concert.

advertisement
10 of 10

Getting her voice back

Pagbabahagi ni Jamie, "Because of my faith with the Lord. I know that he will be there with me on stage. And of course, with due diligence, going to the doctor, nu'ng concert mismo, lumabas din 'yung boses ko."

Around GMA