Janella Salvador, Markus Paterson, co-parenting para sa kanilang anak

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, patuloy pa ring ginagampanan ang responsibilidad ng dating celebrity couple na sina Janella Salvador at Markus Peterson sa kanilang 4-year-old son na si Jude. Sa katunayan, co-parenting pa rin sila ngayon at makikita na magkasama ang dalawa sa ilang litrato sa milestones ng anak.
Sa pagbisita ni Janella sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang naging hiwalayan nina Janella at Markus noong 2022.
Pagbabahagi ni Janella, aminado naman si Markus na meron siyang naging mga pagkukulang. Hindi na nagbahagi pa ng ibang detalye ang aktres dahil ayaw na niyang makasira pa ng ibang tao.
“But ngayon, okay naman kami. Just during that time, we realized na hindi namin kayang tumira sa isang bahay together,” sabi ni Janella.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “It was not an easy decision din naman. Maraming-marami (pag-uusap) kasi siyempre there's a kid involved, e."
Sa ngayon, co-parenting sila ni Markus kay Jude at nag-e-effort naman umano ito para maging "present" sa buhay ng kanilang anak.
Tingnan ang co-parenting set-up nina Janella at Markus sa gallery na ito:









