Janice De Belen, pili na lang ang mga natitirang importanteng lalaki sa kanyang buhay

Inamin ng award-winning actress na si Janice De Belen na quota na siya sa pagiging broken sa buhay dahil sa mga nagdaan niyang relasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, game na nakipagkuwentuhan si Janice sa batikang TV host.
Dito ay pinag-usapan nila ang naging buhay niya bilang isang aktres at ang kanyang mga naging buhay pag-ibig.
Ayon kay Janice, sa ngayon ay nasa ibang yugto na siya ng kanyang buhay kung saan ang kanyang mga anak na lamang ang importante sa kanya.
Balikan ang naging kuwento ni Janice kay Boy Abunda, sa gallery na ito:









