Jao Mapa through the years as told in photos

Kung batang '90s ka, siguradong tanda mo si Jao Mapa.
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa dating member ng sikat na all-male group na 'Gwapings?' Siya man ang pinaka huling pinasok sa grupo, hindi naman nagpa-iwan ang pangalan ni Jao pagdating sa mga projects na tumatak sa isipan ng marami.
Mula sa variety show na "Gwapings" at pagiging parte ng TV sitcom na "Palibahasa Lalake," hanggang sa mga pelikula niyang "Dahil Tanging Ikaw" at "Pare Ko," nakatatak na sa mundo ng show business and pangalang ng aktor na si Jao Mapa.
Kaya naman kahit matagal nahinto sa paggawa ng mga proyekto ay marami pa ring tagahanga ang aktor, at marami pa rin ang sumusuporta sa mga ginagawa nito ngayon.
Tingnan kung sino si Jao Mapa noon at ngayon sa gallery na ito:












