Jasmine Curtis-Smith, may plano na bang magpakasal?

Nakapanayam ng 'Fast talk with Boy Abunda' si Jasmine Curtis-Smith na gaganap bilang Cristy sa upcoming drama na 'Asawa ng Asawa Ko'
Ibinahagi ni Jasmine ang pagdadaanan ng karakter niya. "Si Cristy Manansala, ang dami niyang pinagdaanan sa four years na mawala siya. Four years siyang nawala and then she comes back. Everything is set na naka-move on na silang lahat, okay na silang lahat."
"What does she do? How does she fight for her right to be in her family's life again? Paano niya mapapatunayan na deserve niyang kunin ulit 'yung asawa niya at anak niya?"
Ano kaya ang dapat abangan sa karakter ni Jasmine at sa kanyang buhay pag-ibig kasama ang boyfriend na si Jeff Ortega?







