Jay R at Mica Javier, ipasisilip ang "dark side" ng music industry sa pelikula

Kilala ang mag-asawang sina Jay R at Mica Javier bilang OPM artists. Subalit ngayong taon, susubukan naman ng dalawang singers ang pagpo-produce ng isang pelikula.
Hindi ito nalalayo sa industriyang kanilang ginagalawan dahil, ayon kay Mica, ang pelikula ay patungkol pa rin sa music industry at ang mga lihim na kuwento sa loob nito.
“We decided to tackle one of the hard topics dito sa industriya. It's about the darker side the music industry in the Philippines,”sabi ng 30-year-old singer-actress sa panayam ng GMANetwork.com at iba pang piling entertainment media kamakailan.
Patuloy niya, “Alam naman natin na maraming struggling artists and songwriters na [nahihirapan] gumawa ng hit or makapasok sa industriya even though they are very talented. Mahirap talaga siya i-navigate, so we wanted to shed light on that process and the stories that we've heard from our peers and certain stories na sa amin mismo nangyari.
“Para mabigyan din ng ilaw 'yung ganung nangyayari 'cause it's reality also. It's not a very good reality pero hindi siya masaydong nata-tackle mga project.”
Base sa paglalarawan ni Mica, tila magiging isang musical ang pelikula, kung saan mapapakinggan ang mga bagong orihinal na kantang ginawa ng asawa niya, ang King of RnB na si Jay R.
Ito ay pagbibidahan ni Mica at ng theater actress na si Rachel Coates. Makakasama rin dito ang mga batikang theater actors tulad nina Audie Gemora, Gian Magdangal, Nyoy Volante, Rachel Alejandro.
Sabi ni Jay R tungkol sa kanilang gagawing proyekto, “A lot of these stories in real life ay nangyayari talaga. We're really excited but also scared at the same time. Kasi, you know, we're talking about powerful people here. But huwag silang maging defensive kasi hindi naman 'yung pangalan nila ang ginamit namin.”
Kaugnay nito, handa naman daw sina Jay R at Mica sa posibleng pambabatikos kung sakaling maipalabas na ang kanilang pelikula.
Ani Mica, “I think, the moment we decided na yun yung storyline na gagawin namin, we knew that that's gonna come with criticism and dialogue. But for us, it's good to have the hard conversations kasi kung lagi siyang nakatago, wala tayong magagawang pagbabago or to help the younger generation to know better when they want to penetrate the industry, too.”
Dagdag naman ni Jay R, “We're also pushing the Philippine narrative. There are other interesting stories. Don't be afraid to tell these stories kasi there's audience waiting talaga.”
Bukod sa theatrical release, plano rin nilang ipalabas ang gagawing pelikula sa streaming platform at isali sa iba't ibang film festival abroad.
Ang pelikula at mga kanta rito ay ipo-produce ng HomeWorkZ, na pag-aari ni Jay R.
Samantala, tingnan ang ilan pang celebrities na nagtayo rin ng production company rito:













