Jaya, balik-Pinas para sa concert

Naka-base na sa Amerika simula noong 2021 si Queen of Soul Jaya kasama ang kanyang pamilya.
Ngayong taon, nagbalik siya sa Pilipinas para sa isang espesyal na concert.
Pinamagatang "Jaya All Hits," itatanghal ito sa September 14 sa New Frontier Theater.
Makakasama niya rito sina Ogie Alcasid, Erik Santos, at Jason Dy bilang special guests.
Bumisita rin si Jaya sa daily afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda.
Napag-usapan nila rito ang buhay ni Jaya sa Amerika at kung anong maaaring makapagpabalik sa kanya sa Pilipinas.
"I am always home. 'Yung feeling ko na nasaan 'yung home is where my family is at. Kung nandoon ako at nandoon ang pamilya ko, that's home. If I'm here, home ko rin din 'to basta kasama ko sila," paliwanag niya.
Alamin ang iba pang mga ibinahagi ni Jaya sa Fast Talk with Boy Abunda rito:






