Jeff Moses, nanliligaw ba kay Jillian Ward?

GMA Logo Jeff Moses
Source: FTWBA & jeffmoses_ (IG)

Photo Inside Page


Photos

Jeff Moses



Jeff Moses, natameme sa tanong ni Tito Boy?

Sumabak sa matinding interview sa'Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang Abot-Kamay na Pangarap actor ngayong Martes ng hapon, April 9.

Kasama rin niya sa naturang guesting ang Sparkle talent na si John Vic de Guzman na co-actor rin niya sa soap.

Dito nagkuwento si Jeff kung paano siya na-discover sa TikTok noong pandemya. Matatandaan na isa siya sa mga ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center noong 2022 bilang parte ng youth-oriented group na Sparkada.

Pagbabalik-tanaw ng Kapuso heartthrob, “Kasi mahilig po talaga ako sumayaw. Kumbaga, sa sayaw 'yun 'yung first na-discover ko sa sarili ko na, 'Ay, nakakasayaw pala ako sa mga talent ko po'.”

“Nung nagka-pandemya at nasa bahay lang, nag-scroll down sa TikTok and then nag-iinvite ng friends na, 'Uy! Puwede ka pumunta sa bahay, sayaw naman tayo ganyan wala tayo magawa [doon nagsimula]'.”

Mas lalong uminit pa ang panayam ni Tito Boy kay Jeff nang tanungin ito tungkol sa Sparkle actress na si Jillian Ward.

Mapangahas na tanong ng King of Talk sa guwapong binata: nanliligaw ba siya kay Jillian?

Alamin ang naging sagot niya sa gallery na ito!

Mapapanood ang viral interviews ng Fast Talk with Boy Abunda, 4:45 p.m. sa GMA Afternoon Prime.


 Jeff Moses
 Type
 Jillian's parents  
Nililigawan
Career
Reagan
 FTWBA

Around GMA

Around GMA

Trump lands in China for Xi summit with Nvidia CEO in tow
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car