Jennylyn Mercado, may offer na bang natanggap mula sa ibang network?

GMA Logo Jennylyn Mercado

Photo Inside Page


Photos

Jennylyn Mercado



Tinuldukan na ni Jennylyn Mercado ang isyu tungkol sa 'di umano'y pag-alis niya sa GMA.

“Happy pa rin ako na maging Kapuso.”

Ito ang isa sa mga naging pahayag ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado nang tanungin siya tungkol sa isyung siya ay lilipat na ng ibang istasyon.

Sa event ng isang beauty brand ngayong Huwebes, July 18, nilinaw ni Jennylyn na mananatili siya sa kaniyang home network.

Aniya, “Ang daming naghihintay ng sagot, 'Lilipat ba?'

“Ako naman twenty years na po akong Kapuso and I'm very thankful na hanggang ngayon e, ako po ay Kapuso pa rin.”

Ayon kay Jennylyn, kasalukuyang isinasaayos pa ng kaniyang management ang kaniyang mga gagawing trabaho.

“Happy pa rin ako na maging Kapuso,” ani Jennylyn.

Paglilinaw pa ng aktres, “Sa ibang network po, wala pong offer ng ibang network.”

Samantala, malapit na ring ipalabas ang first-film together ni Jennylyn at ng kaniyang mister at Pulang Araw actor na si Dennis Trillo na pinamagatang “Everything About My Wife.”

Makakasama rito ng Kapuso couple ang Kapamilya actor na si Sam Milby.


SEE PHOTOS OF JENNYLYN MERCADO'S SHOWBIZ CAREER THROUGH THE YEARS:


StarStruck
First shows
Second lead
Encantadia
Lead role
Rhodora X
Recording artist
Album
EP
Sunday All Stars
Hosting
Movies
Rom-Com Queen
FHM
Ultimate Star
Love You Two
StarStruck
YouTube star
CoLove
CoLove Live
My Love From The Star
Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)
Love. Die. Repeat.

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo