Jennylyn Mercado, nagduda sa intensiyon ni Dennis Trillo no'ng yayain siya magpakasal?

Emosyonal at nakakakilig na hapon ang pinagsaluhan ng King of Talk na si Boy Abunda kasama ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang sumalang ang dalawa ngayong Biyernes, February 14, sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bukod sa kanilang upcoming movie na Everything About My Wife, napagkuwentuhan nina Dennis at Jennylyn ang kanilang tila rollercoaster na love story mula sa kanilang ligawan stage, unang hiwalayan, hanggang sa kasal noong 2021.
May nakakatawang istorya pa si Jennylyn mula sa kanilang kasal na kaya naging tunay na memorable ito para sa kanila ni Dennis Trillo.
Ngunit bago raw ang kanilang kasal ay nagkaroon daw si Jennylyn ng pagdududa sa tunay na intensiyon sa kaniya ni Dennis.
Alamin kung ano ito, pati na rin ang kanilang nakakakilig na love story, sa gallery na ito:









