Jeric Raval, aminadong sakit ng ulo noong araw!

Sino ang mag-aakala na ang matinik na '90s action star na si Jeric Raval, pinangarap noon maging rapper?
Ilan lamang ito sa rebelasyon ni Jeric sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Miyerkules, August 23.
Ayon kay Jeric, gustung-gusto niyang maging rapper noong kabataan niya, at nagbigay pa ng sample ng kaniyang rap skills live sa 'FTWBA.'
Bukod sa sinariwa niya ang makulay niyang career sa mundo ng action films, hindi rin nag-atubiling umamin ang 'Maging Sino Ka Man' actor kay Boy Abunda na noong araw ay nagigising siyang may subpoena dahil napapaaway
Balikan ang exclusive interview ng King of Talk kay Jeric Raval sa gallery na ito.
Patuloy na tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'The Seed of Love' sa GMA Afternoon Prime via TVbroadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.









