Jeric Raval, hinimok si AJ Raval na umamin tungkol sa mga anak: 'Para matapos na'

Malaki ang ambag ni Jeric Raval sa desisyon ng kanyang anak na si AJ Raval na isapubliko ang tungkol sa mga anak niya.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 12, kinumpirma ni AJ na meron siyang limang anak, at tatlo sa kanila ay mga anak nila ni Aljur Abrenica
“Actually, Tito Boy, lima na po. I have five kids. First one is my Ariana, panganay ko po siya. Andthen, the second one is Aaron, he's an angel now, Tito Boy, wala na po siya. And then the third one is Aikena, 'yung panganay po namin ni Aljur; Junior; and Abraham,” sabi ni AJ.
Sa pagpapatuloy ng kanilang kwentuhan, kasama ang kanyang amang si Jeric, nitong Huwebes, November 13, inamin ni AJ na bago sila lumabas sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, gusto na sana niya mag-back.
Ngunit kinausap umano ni Jeric ang anak at ipinaintindi kung bakit kailangan ibahagi na nito ang katotohanan tungkol sa mga anak ng aktres at Aljur.
Alamin ang kwento ni Jeric sa gallery na ito:









