
Pinatunayan ni Quezon actor Jericho Rosales na maaari pa rin maging magkaibigan ang ex-lovers nang ibahagi niyang kaibigan pa rin niya ang kaniyang dating asawa na si Kim Jones, at ex-girlfriend na si Heart Evangelista.
Sa pagbisita ni Jericho sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 14, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda kung paano siya bilang boyfriend. Pag-amin ng actor, hindi man siya perpekto ay marami siyang natutunan mula sa kaniyang dating relationships na ina-apply niya ngayon sa relasyon niya kay Janine Gutierrez.
“Hello, ex-girlfriends! And then, of course, I've made my mistakes, I said sorry, but I've learned from all of those relationships, and I think right now, I'm pouring all of the lessons into this relationship,” sabi ni Jericho.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA "MR. POGI" LOOKS NI JERICHO SA GALLERY NA ITO:
Dahil nabanggit na rin ni Jericho ang kaniyang mga ex, kinumusta ng batikang host ang relasyon niya sa mga dating nakarelasyon. Pag-amin ng aktor, magkakaibigan pa rin sila sa kabila ng kanilang mga break-up.
“Kim is my friend, she's one of my very, very great friends. Heart is my friend. Yeah, I mean, every time I see whoever's around in Manila, of course, I try to make friends with everyone. Life is too short to have enemies,” sabi ni Jericho.
Matatandaan na unang nag-date sina Kim at Jericho noong 2011, at na-engage noong 2013. Kinasal sila noong 2014 ngunit naghiwalay din noong 2019, na kinumpirma ng Filipino-British model noong 2024.
Samantala, unang nag-date sina Heart at Jericho noong 2005 at naghiwalay noong 2008. Noon 2024, ginamit ng Global Fashion Icon ang awit ng ex-boyfriend na “Pusong Ligaw” para sa isang reel, na naging senyales para sa fans na okay sila matapos ang break-up.
Panoorin ang panayam kay Jericho sa Fast Talk With Boy Abunda video sa itaas.
Samantala, tingnan ang ilang dating celebrity couples na nanatiling magkaibigan dito:



















