Ipinanganak na ng transman at dating StarStruck alumna na si Jesi Corcuera ang kaniyang healthy baby girl!
Ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda ang magandang balita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, December 11.
“We did an interview a couple of months ago with Jesi Corcuera at siya ay nagsilang na po ng baby girl,” sabi ni Boy sa kaniyang programa.
Pahabol ng batikang host, “Congratulations!”
Sa Instagram ay nag-post si Jesi ng kaniyang litrato karga ang kaniyang baby. Sa isa pang story, makikita naman sa looping video ang nakatagong mukha ng kaniyang baby na umiinom ng gatas.
Muli, Congratulations, Jesi!
RELATED CONTENT: Jesi Corcuera then and now
Sa isang Instagram post, pinagtabi rin ni Jesi ang kanyang ID photos. Aniya, "May nagbago ba?"
Si Jesi Corcuera ay nagsimula sa showbiz via GMA's 'Starstruck,' isang reality TV-talent competition.
Ngayon ay, ika nga niya, "binata" na si Jesi!
Isa na rin siyang vlogger.
Mayroon nang 100,000+ subscribers si Jesi sa kanyang Youtube channel.
While vlogging, nag-meet sina Jesi at former 'Starstruck' batchmate niyang si Kris Bernal sa Palawan.
READ: WATCH: Kris Bernal's reaction upon seeing her StarStruck batchmate Jesi Corcuera
#FitnessGoals din ang peg ni Jesi sa kanyang Instagram posts, kung saan makikitang lagi ring nag-e-exercise at nasa gym ang vlogger.
Isa na ring transman ngayon si Jesi.
Sa isang post, though, pinakita ni Jesi ang kanyang pag-transform sa isang babae.
Ang Then and Now post comparison ni Jesi on Instagram.