Fast Talk with Boy Abunda
Jessica Sanchez, hindi naging madali ang pagsali sa 'America's Got Talent' habang buntis

Espesyal ang pagsali ni Filipino-American singer Jessica Sanchez sa ika-20 season ng international talent competition na America's Got Talent. Bukod kasi sa pagbabalik niya simula noong sumali siya sa unang season ng nasabing programa, sumabak ang singer sa competition nang buntis sa una niyang anak.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 12, inamin ni Jessica na hindi naging madali para sa kaniya ang sumali at kumanta habang siya ay buntis. Sa katunayan, pag-amin ng singer, hindi niya alam kung papaano niya natapos at naipanalo ang kompetisyon.
Alamin ang buong kuwento ni Jessica sa gallery na ito:









