Fast Talk with Boy Abunda
Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Mariane Osabel, may iba't ibang paghahanda bago ang concert

Bawat singer ay may kaniya-kaniyang paraan ng paghahanda bago ang kanilang concert. Ang ilan ay nagpapahinga o kaya ay natutulog, ang iba naman ay nagpapapwis sa gym o jogging. Paano naman kaya naghahanda ang Queendom Divas na sina Jessica Villarubin, Hannah Precillas, at Mariane Osabel?
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 7, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Jessica, Hannah, at Mariane kung papaano nila inaalagaan ang kanilang mga boses. Bukod dito, inalam din ng batikang host ang paghahanda na ginagawa ng tatlo bago mag-concert.
Alamin ang routines nina Jessica, Hannah, at Mariane bago sumabak sa concert sa gallery na ito:









