Jhong Hilario, may payo para kay Ryan Bang tungkol sa relasyon

Masayang nakapanayam ni Boy Abunda ang It's Showtime hosts na sina Jhong Hilario at Ryan Bang kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda.
Iba't ibang aspeto ng buhay nina Jhong at Ryan ang napag-usapan tulad ng tungkol sa pamilya, pag-ibig, at karera.
Isa sa mga tanong ni Boy kay Jhong ay kung ano ang maipapayo nito kay Ryan tungkol sa relasyon.
“Siguro kailangan niyang tatagan 'yung sarili niya pagdating sa lovelife. Kasi si Ryan kapag… minsan all-out talaga 'to kapag nagmahal. So ayaw ko na magkaroon [siya] ng depression kapag nabigo. So, kailangan maging matatag siya, kailangan ituring niya 'yun as experience,” sagot ng dating Streetboys member.
Samantala, sa edad na 32 ay handa na raw si Ryan na mag-settle down kasama ang kanyang “forever Filipina.” Kasalukuyan na mayroong nililigawan ang It's Showtime host at nakilala na ito ng kanyang mga magulang via FaceTime.
“Nakaipon na ako, Tito Boy. Bata pa lang, sinabi mo sa akin, 'Ryan, mag-ipon ka.' Ngayon, nakaipon na ako, Tito Boy. I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina,” pagbabahagi ni Ryan.
Balikan ang iba pang detalye sa naging panayam ni Boy Abunda kina Jhong Hilario at Ryan Bang sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito.







