Jillian Ward, nasaktan sa fake news na may sugar daddy daw siya

"Enough na po."
Ito ang matapang na pahayag ng Star of the New Gen na si Jillian Ward nang humarap sa King of Talk Boy Abunda para itama ang fake news tungkol sa kaniya na may benefactor or sugar daddy diumano siya.
Maraming maling impormasyon ang kumalat online tungkol sa lavish lifestyle, luxury cars at investments ni Jillian na sobra raw nakabahala sa kaniya.
Kuwento niya sa Fast Talk with Boy Abunda, napansin niya ang fake news na ito fours years ago.
“Nag-start po ito four years ago, I was 16. At that time ayoko po magsalita, kasi laging sinasabi sa akin, if its not real hindi mo kailangan magsalita. Tapos, every year nagre-resurface po siya,” balik-tanaw ni Jill.
Pagpapatuloy niya, “Then, last week lumabas na naman po siya. Nung una, sinend sa akin ng mga friends ko, akala ko, parang meme na siya ngayon, kasi sobrang absurd po ng mga kinukwento nila. So, tinawanan ko pa siya nung una. Then nung nagbasa po ako ng comments...” Natigilan ang Kapuso actress at sumunod nito sinabi kay Tito Boy kung paano ito nakakaapekto ang mga maling balita na ito sa kaniyang buhay.
“Sobrang, na-hurt na po talaga ako, kasi sobra po 'yung pambabastos ng mga tao, because of fake news. So, it took me four years to speak up about it and 'yung pinaka turning point din po sa akin is yung family ko binabastos na rin especially my Mom. So sabi ko, 'enough na po'.”
Tinawag din ng Sparkle actress na 'disrespectful' ang mga kinakalat na tsimis at fake news na binebenta diumano siya ng kaniyang sariling nanay na si Jennifer.
Habang nagsasalita makikita na halos maiyak si Jillian sa sinapit ng kaniyang nanay.
“Yung sinasabi po nila na binebenta daw ako ng mother ko, kaya raw po ako may mga investments and siyempre nakakabastos po yun sa mother ko, 'tapos iniisip ko rin yung 15 years of hardwork ko parang tinatapon lang nila lahat mg yun dahil sa fake news. Sobra po ˈyung disrespect.”
RELATED CONTENT: Get to know Sparkle actress Jillian Ward


















