Jillian Ward, Jasmine Curtis-Smith, more Kapuso stars, dumalo sa Pista'y Dayat sa Pangasinan

Nagpunta at nakisaya ang ilang Kapuso stars sa naganap na Pista'y Dayat sa Pangasinan nitong nagdaang weekend. Dumalo ang ilang cast ng Asawa ng Asawa Ko na sina Jasmine Curtis-Smith, Martin del Rosario, at Joem Bascon, cast ng Abot-Kamay na Pangarap na sina Jillian Ward, Pinky Amador, at Jeff Moses, at Encantadia Chronicles: Sang'gre star Kelvin Miranda.
Nagsilbing host naman ng event ang aktres na si Vaness del Moral. Ang Pista'y Dayat o Festival of the Sea ay isang thanksgiving festival kung saan ipinagpapasalamat nila ang masaganang sea harvest.
Tingnan kung papaano napasaya nina Vaness, Jasmine, Martin, Joem, Jillian, Pinky, Jeff, at Kelvin ang mga Pangasinense sa gallery na ito:

















