Jillian Ward, John Vic De Guzman, Jeff Moses at cast ng 'Abot-Kamay Na Pangarap,' pinasaya ang fans sa Bataan

Pahinga muna ang mga doktor at iba pang cast ng hit medical series na 'Abot-Kamay Na Pangarap' para makapagbigay ng ibang gamot sa mga Kapuso: ang saya at tawanan sa isang mall show sa Bataan.
Sa paghohost ni Shuvee Etrata at kasama ang cast ng serye na sina Jillian Ward, John Vic De Guzman, Eunice Lagusad, Allen Dizon, at Jeff Moses, siguradong gumanda ang pakiramdam ng mga manonood sa saya na naidulot nila.
Tingnan ang mga kaganapan sa nakaraang Kapuso Mall Show sa gallery na ito:

















