Jillian Ward, nasasaktan para sa ina dahil sa mga maling paratang

Naging malaking hamon ang pagharap ni Star of the New Gen Jillian Ward sa mga kontrobersiyang umiikot ngayon online, lalo na at mag-isa lang niya hinarap ang mga ito.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 21, sinagot ni Jillian ang lahat nga mga elgasyon at at kontrobersiya na kumakalat sa iba't ibang social media sites tungkol sa kaniya.
Sa gitna ng panayam, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung papaano kinakaya ng tinaguriang Star of the New Gen ang lahat ng ito sa kabila ng hiwalayan ng kaniyang mga magulang.
Sagot ni Jillian, “Honestly po, sobrang naging mahirap siya for me kasi kailangan pumagitna ako sa parents ko tapos habang nangyayari 'yun, merong mga fake issues about me na kada bubuksan ko 'yung Facebook, TikTok, even Reddit, may mga kuwento po about me na hindi totoo.”
Saad pa ni Jillian, matindi rin ang pinagdadaanan noon ng kaniyang mga magulang at ayaw na niyang makadag-dag pa sa kanilang iniisip kaya sinarili na lang niya ito.
“Ayoko din silang guluhin, istorbohin sa mga nangyayaring issues sa career ko. So, naging mahirap po talaga siya kasi, somehow, I had to face it alone, especially nu'ng minor po ako, when it started, I was 16,” sabi ni Jillian.
Balikan ang kwento ni Jillian sa gallery na ito:









