Naging malaking hamon ang pagharap ni Star of the New Gen Jillian Ward sa mga kontrobersiyang umiikot ngayon online, lalo na at mag-isa lang niya hinarap ang mga ito.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 21, sinagot ni Jillian ang lahat nga mga elgasyon at at kontrobersiya na kumakalat sa iba't ibang social media sites tungkol sa kaniya.
Sa gitna ng panayam, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung papaano kinakaya ng tinaguriang Star of the New Gen ang lahat ng ito sa kabila ng hiwalayan ng kaniyang mga magulang.
Sagot ni Jillian, “Honestly po, sobrang naging mahirap siya for me kasi kailangan pumagitna ako sa parents ko tapos habang nangyayari 'yun, merong mga fake issues about me na kada bubuksan ko 'yung Facebook, TikTok, even Reddit, may mga kuwento po about me na hindi totoo.”
Saad pa ni Jillian, matindi rin ang pinagdadaanan noon ng kaniyang mga magulang at ayaw na niyang makadag-dag pa sa kanilang iniisip kaya sinarili na lang niya ito.
“Ayoko din silang guluhin, istorbohin sa mga nangyayaring issues sa career ko. So, naging mahirap po talaga siya kasi, somehow, I had to face it alone, especially nu'ng minor po ako, when it started, I was 16,” sabi ni Jillian.
Balikan ang kwento ni Jillian sa gallery na ito:
Iba't ibang alegasyon ang sinagot ni Jillian sa pagbisita niya sa GMA Afternoon Prime talk show na 'Fast Talk With Boy Abunda.'
Isa sa mga kontrobersiyang sinagot ni Jillian ay ang akusasyong binubugaw siya ng kaniyang ina.
Ani Jillian, "Sobrang sakit talaga, Tito Boy, kasi my parents didn't raise me that way. And lahat ng meron ako, pinagpaguran ko and my mom would never do that to me."
Pag-amin pa ng aktres, sobrang nasasaktan siya para sa kaniyang ina, na aniya'y hindi-hindi nito magagawa.
Inamin ni Jillian na na-offend siya sa mga alegasyon dahil "she did not raise me that way."
Aminado naman si Jillian na nadadamay lang ang kaniyang ina dahil sa pagiging bahagi niya ng show business. Kaya naman, noong imbitahan umano ni Boy ang kaniyang ina ay tumanggi ang aktres.
Ani Jillian, bilang anak ng kaniyang ina at parte ng entertainment industry, responsibilidad niya na ipagtanggol ang kaniyang inang nadadamay lang.
Saad pa ni Jillian, "Ako 'yung nasa industry, ako 'yung artista, my mom's just supporting me. 'Tapos, gagawan nila ng ganu'ng klaseng issue 'yung mother ko na hindi po totoo. So, I felt na it's my responsibility to fight for my mom."
Ibinahagi rin ni Jillian na sobrang nasaktan ang kaniyang ama at mga kapatid sa dinaranas ng aktres at ng kaniyang ina ngayon.
Kung may ipagpapasalamat man si Jillian sa nangyari, iyon ay ang pagiging supportive ng kaniyang pamilya.