Jillian Ward on David Licauco: 'We're an action tandem'

Sa halip na isang love team, isang action tandem kung ituring ni Jillian Ward ang teamup nila ni David Licauco sa kanilang pinakabagong serye na Never Say Die sa GMA Prime.
Sa pagbisita ni Jillian sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pag-guest ni Jillian sa special niyang 'My Mother, My Story' kung saan unang sinabi ng aktres na pangarap niyang gumanap sa isang action na teleserye.
“Thank you GMA, and thank you, Tito Boy, kasi feeling ko nakuhanan talaga ng GMA ng idea dahil sa interview natin kaya thank you po,” sabi ni Jillian.
Ayon din sa aktres, isang action show na may layunin ang kanilang bagong serye, at may mensahe itong gustong iparating sa mga manonood.
“Kumbaga, may message po itong storya namin, mabubuksan po 'yung mata ng mga kabataan sa mga nangyayari sa bansa po natin na hindi masyadong nabi-bring into light. Kumbaga, this is a very courageous show made by GMA,” sabi ng aktres.
Marami rin umano ang nagtatanong kung ang tambalan bang ito nila ni David ay isang love team. Alamin ang sagot ni Jillian sa gallery na ito:









