Jo Berry at iba pang 'Lilet Matias, Attorney-At-Law' stars, rumampa sa GMA Gala 2024

Timeout muna ang mga bituin ng GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law sa pag-aaway sa loob at labas ng korte dahil sumali sila sa ginanap na GMA Gala 2024.
Black-and-white gown na gawa ni Daniel Manila ang isinuot ni Jo Berry sa paglakad niya sa red carpet. Kakaiba ang gown dahil sa gilid ay makikita ang pangalan ni Jo na nakalagay.
Youthful and beautiful naman si Sheryl Cruz nang rumampa suot ang gown na gawa ni Mar Montes. Simple yet elegant ang suit na suot ni Jason Abalos.
Kasama naman ni EA Guzman ang kanyang fiancée na si Shaira Diaz.
Tingnan ang suot ng mga bituin ng Lilet Matias, Attorney-At-Law sa GMA Gala 2024 sa mga larawang ito.







