Jo Berry, bibida sa bagong legal drama serye na 'Lilet Matias: Attorney-at-Law'

GMA Logo Jo Berry
SOURCE: @thejoberry (IG)

Photo Inside Page


Photos

Jo Berry



Isang bagong obra na naman ang inihahandog ng GMA Afternoon Prime para sa mga Kapuso!

Malapit nang mapanood ang pinakabagong legal drama series na siguradong kahuhumalingan ng mga manonood, ang Lilet Matias: Attorney-at-Law.

Sa ginanap na story conference para sa naturang serye noong Martes (May 9) ay ipinakilala na ang cast nito.

Una na rito ang Kapuso star na si Jo Berry na bibida bilang si Lilet Matias, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.

Iikot ang istorya nito sa kanyang journey bilang isang abogada at sa iba't ibang kaso na kanyang hahawakan kabilang na ang isang rape case na kasasangkutan ng kanyang half-sister na susubok sa kanyang career at magiging dahilan para mabuo ang kanyang pagkatao.

Siguradong kapupulutan din ng aral ang kuwento nito na tatalakay sa iba't ibang social injustice issues na kinakaharap ng ating bansa gaya na lamang ng discrimination, sexism, abuse, at poverty.

Makakasama ni Jo Berry sa Kapuso serye na ito ang award-winning young actor na si Joaquin Domagoso, Sparkle beauties na sina Zonia Mejia at Hannah Arguelles, mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz, Glenda Garcia, at Teresa Loyzaga, Sparkle heartthrobs na sina Jason Abalos at EA Guzman, at komedyante na si Ariel Villasanta.


SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA HINDI MALILIMUTANG KARAKTER NA GINAMPANAN NI JO BERRY SA GALLERY NA ITO:


'Magpakailanman'
Lorna Fernandez
'Onanay'
Onay
'Dear Uge'
Madam So Very
'Daig Kayo ng Lola Ko'
Lily
'Daddy's Gurl' /
Tiny
'Wish Ko Lang'
Michelle
'The Gift'
Strawberry
'Little Princess'
Princess

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage