Joey Marquez, nagbahagi ng mga natutunang aral mula sa talent manager na si Douglas Quijano

Aminado ang actor-comedian na si Joey Marquez na isa siya sa mga swerte sa industriya dahil sa pagiging talent ng namayapang talent manager at film producer na si Douglas Quijano.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 6, ibinahagi ni Joey na maganda ang buhay niya ngayon, at nangingibabaw ang maturity, simplicity at humility. Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, paano narating ng aktor ang ganoong pag-iisip sa gitna ng industriya na puno ng kompetensya.
“Kasi it came from I've paid my dues growing up, e. I started from the bottom, and I stayed from the bottom. Kahit medyo nakaangat ng kaunti, my foot is still on the ground. That's one formula siguro that never failed,” sabi niya.
Dito binalikan ng batikang host ang talent manager na si Douglas na nakadiskubre din kay Joey. Ani Tito Boty, alam nitong maraming karunungan na naibahagi ang namayapang talent manager sa aktor.
Diretsahang tanong ni Boy kay Joey, “What did you learn from the great Douglas Quijano?”
Alamin ang naging sagot ni Joey sa gallery na ito:









