John Estrada celebrates 50th birthday with family and friends

Ipinagdiriwang ng aktor na si John Estrada ang kanyang 50th birthday ngayong Martes, June 13.
Ngunit bago sumapit ang araw na ito, isang engrandeng party ang ginanap para sa selebrasyon ng kaarawan ng aktor.
Sa Instagram, ilang larawan na kuha ng Nice Print Photography ang ibinahagi ng asawa ng aktor na si Priscilla Meirelles tungkol sa naturang event.
Makikita sa mga larawan ang family photos nina John at Priscilla habang kasama ang kanilang anak na si Anechka.
Present din sa party ang mga anak ni John sa kanyang dating asawa, ang aktres na si Janice de Belen.
Bukod sa mga kaanak, present din ang ilang showbiz personalities sa 50th birthday party ng aktor na si John Estrada.





