Sanggang Dikit FR

John Vic De Guzman bids goodbye to 'Sanggang-Dikit FR', reflects on his character

GMA Logo John Vic De Guzman in sanggang dikit fr
Photos by johnvicdeguzman (IG)

Photo Inside Page


Photos

John Vic De Guzman in sanggang dikit fr



Naging makabuluhan ang pamamaalam ng karakter ng Kapuso hotlete and actor na si John Vic De Guzman sa GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR.

Tumatak sa viewers ang kanyang role bilang police lieutenant na si Regan Robles. Sa serye, si Robles ang espiya sa kanilang istasyon at parte ng isang sindikato.

Marami ang humanga sa performance ni John Vic lalo na sa kanyang eksena kung saan nagsagawa siya ng isang hostage sa Station 12. Dito ay ipinamalas ng aktor ang kanyang acting skills bilang kontrabida.

Sa kanyang huling gabi sa Sanggang-Dikit FR na napanood noong Huwebes, October 9, ipinost ni John Vic ang kanyang saloobin tungkol sa pagkamatay ng kanyang karakter na hindi lang nangyayari sa telebisyon, kundi pati na rin sa tunay na buhay.

Ika niya, "Ang karakter ni Robles ay kathang-isip lang sa Sanggang Dikit FR -- pero ang ganitong mga tao, totoo sa lipunan.

"'Yung mga nasa sistema, ginagamit ang kapangyarihan, at patagong sinisira ang pinaghihirapan ng mga matitinong empleyado at tapat na kawani ng gobyerno.

"Sana sa pagpanaw ni Robles sa kwento, ay mawala na din ang gano'ng klase ng mga tao sa totoong buhay -- dahil sila ang pumapatay sa tiwala ng mamamayan."

Nagpasalamat din si John Vic dahil napabilang siya sa Sanggang-Dikit FR, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Patuloy niya, "Ito ang isa sa pinakamalaking break ko sa telebisyon, at isa rin sa mga pinaka-makabuluhan kong ginampanan. Hindi madali maging kontrabida, pero kung sa pamamagitan ni Robles ay may naantig, napaisip, o natauhan -- worth it ang bawat eksena."

Kalakip ng kanyang post, ibinahagi ni John Vic ang ilang litrato niya kasama ang kanyang castmates sa Sanggang-Dikit FR bilang pag-alala sa masaya nilang samahan sa set.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba.


The death of Robles
Behind the scenes
Dennis Trillo
Station 12
Serious
Jeffrey Santos
Nova Villa
Kim Ji-soo
Jennylyn Mercado
Sanggang-Dikit FR

Around GMA

Around GMA

Lumitaw na tila mukha ni Hesus sa pader, likha ng psychological phenomenon na ‘pareidolia,’ ayon sa eksperto
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith