Jopay Paguia, binalikan ang masayang 'Get, Get, Aw!: The SexBomb Concert'

Marami ang nag-abang sa pagbabalik ng SexBomb Girls sa entablado kaya naging successful ang dalawang reunion concert kamakailan at magsasagawa ng dalawa pa, para sa fans. Sa pagbabalik na ito, prayers answered umano para kay Jopay Paguia ang makasama muli ang mga kagrupo sa isang stage.
“Sobrang grateful ako talaga kasi ang tagal ko na pong pinagpe-pray 'to, e, na makasama ko uli silang lahat sa isang entablado na talagang bumalik sila ulit sa showbiz, sa pagsasayaw nila. Kasi 'yun po 'yung love nila, e, sobrang love na love nila 'yun,” sabi ni Jopay sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes.
Samantala, full of pride naman ang kanilang dating manager, mentor, choreographer, at nanay na si Joy Cancio.
Tingnan sa gallery na ito ang pagbabalik-tanaw nina Jopay at Joy sa naganap sa SexBomb reunion concert:









