advertisement
TV

Jopay Paguia, binalikan ang masayang 'Get, Get, Aw!: The SexBomb Concert'

1 of 10

Getting back on stage

Binalikan nina Jopay Paguia at Joy Cancio ang pakiramdam na muling napanood ang SexBomb Girls sa entablado sa nagdaang reunion concert ng naturang girl group.

2 of 10

Sobrang saya

Pagbabahagi ni Jopay Paguia, sobrang saya at grateful niya na natupad na sa wakas ang matagal na niyang pinagdarasal: ang makasama niya muli ang SexBomb Girls sa isang entablado.

3 of 10

Pagsasayaw

Sabi ni Jopay Paguia, "Talagang bumalik sila ulit sa showbiz, sa pagsasayaw nila. Kasi 'yun po 'yung love nila, e, sobrang love na love nila 'yun."

advertisement
4 of 10

Lokohan

Ngunit sa pagbabalik nila sa stage, kuwento ni Jopay Paguia, kapag alam na alam na umano nila ang kanilang gagawin, naglolokohan na sila sa stage. Ito umano ang ikinapipikon ni Joy Cancio noon.

5 of 10

Blockings

Kuwento ni Jopay Paguia, kahit habang nagsasayaw ay itinatama nila ang blockings ng bawat isa, kaya nagkakagulo-gulo minsan ang kanilang performance.

6 of 10

Tribute

Sa unang reunion concert ng SexBomb Girls, nagbigay sila ng pugay kay Joy Cancio na naging manager, mentor, choreographer at ina-inahan noon.

advertisement
7 of 10

Hindi inaasahan

Aminado naman si Joy Cancio na nagulat siya sa naturang tribute dahil hindi naman niya ito inaasahan. Kuwento ng dating manager ng grupo, "Kaya nu'ng nanonood akong ganiyan, 'Hindi bale, para na lang support for the girls,' biglang lumapit sa akin si Cheche atsaka si Aira. Sabi ko, 'Wag, 'wag kasi pangit ako 'pag umiyak ako.' Hindi ko ine-expect."

8 of 10

Pinasama ang loob

Pagbabahagi naman ni Jopay Paguia, sinadya nilang pasamain ang loob ni Joy bago pa ang concert, "Talagang pinasasama namin ang loob ni Ate Joy (Cancio). Hindi namin siya mine-message, nakaplano 'yun, Ate Joy."

9 of 10

Nanay na nanay

Itinuturing naman ng SexBomb Girls bilang isang tunay na nanay si Joy dahil sa alaga at kalinga ng kanilang dating manager sa kanila. Ani Jopay Paguia, "Sobrang nanay na nanay, strikta po talaga siya. Ultimo 'yung pananamit namin, sasabihin niya, ito naalala ko, sinabi niya, 'SexBomb na 'yung pangalan natin, magsusuot pa kayo ng maiksi?' Hindi ko makakalimutan 'yun. Sexy na, e. Tapos maiksi pa."

advertisement
10 of 10

Pangangalaga

Paglilinaw ni Joy Cancio, gusto lang naman niya pangalagaan ang kaniyang mga dancer. Kaya naman, hindi siya nagkulang sa paalala tungkol sa pagpapahinga, pag-eensayo, at maging sa pag-iipon.

Around GMA