Jordan Clarkson, kauna-unahang Fil-Am NBA champion

Sa pagkapanalo ng New York Knicks sa finals ng NBA laban sa San Antonio Spurs kamakailan, maituturing ang NBA player na si Jordan Clarkson bilang kauna-unahang Filipino-American na nagkampeon sa naturang liga.
Kasabay nito, naging instrumento rin si Clarkson para makuha ng koponan ang unang championship nila simula ng huling pagkapanalo nila noong 1973 nang matalo ng Knicks ang Spurs sa score na 94-90 sa Game 5 ng NBA Finals.
Naglaro si Clarkson para sa Lakers, Cavaliers, at Jazz—kung saan napanalunan niya ang NBA Sixth Man of the Year Award noong 2021—bago siya tuluyang napunta sa New York Knicks.
Samantala, bukod kay Clarkson, maraming Pinoy rin ang namangha sa Fil-Am player ng Spurs na si Dylan Harper. Sa Game 5 kasi nila, nagbigay ng 25 points ang naturang player para sa kanilang team.
SAMANATALA, KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAY FOREIGN BLOOD SA GALLERY NA ITO:













































































