Jose Manalo is now engaged to partner Mergene Maranan

Engaged na ang TV host na si Jose Manalo sa kanyang partner na si Mergene Maranan.
Noong Biyernes, December 6, ipinakita ni Mergene ang video nang naging proposal sa kanya ni Jose, na may capion: "The easiest YES I've ever said."
Sa post, mapapanood si Jose na kumakanta ng "Ikaw" ni Yeng Constantino. Dito na nag-propose si Jose kay Mergene. Hindi naman makapaniwala ang huli sa nangyayari.
Inilabas ni Jose ang engagement ring para kay Mergene at lumuhod, at sinabing, "Will you marry me?"
"Yes," ang naging sagot ni Mergene sa TV host.
Tingnan ang nakakakilig na wedding proposal ni Jose Manalo sa kanyang partner na si Mergene Maranan sa gallery na ito:






