Jose Manalo, 'nagpa-derma' para sa pre-wedding photoshoot nila ni Gene Maranan

GMA Logo jose manalo and gene maranan

Photo Inside Page


Photos

jose manalo and gene maranan



Marami ang nagulat nang ianunsyo ng dating miyembro ng dance group na EB Babes na si Gene Maranan na ikakasal na sila ng TV host at komedyanteng si Jose Manalo.

Ipinost ni Gene sa Instagram noong December 6 ang video ng surprise proposal ni Jose sa isang resort. Mapapanood dito na kumakanta ang TV host ng "Ikaw" ni Yeng Constantino bago niya inilabas ang singsing at lumuhod. Pagkatapos nito, binigkas ni Jose kay Gene ang mga salitang "Will you marry me?"

Naging pribado sila sa kanilang relasyon kaya marami ang nasorpresa sa kanilang engagement.

Matapos ang ilang araw, inilabas din ng couple sa Instagram ang kanilang pre-wedding photos na kinunan sa Canada at Bataan.

Winter ang tema ng kanilang romantic prenup photos sa Canada, samantalang nagsilbing backdrop naman ang cultural heritage buildings at mga sinaunang bahay na may historical background sa kanilang mga litrato na kuha sa Las Casas Filipinas De Acuzar sa Bataan.

Biro tuloy ni Jose sa kanyang caption, "Kaya panay ang PADER-MA KO."

Tingnan ang kanilang pre-wedding photos sa Bataan sa gallery na ito.


Jose Manalo and Gene Maranan
Derma
Patintero
Comedy
Kiss
Happy couple
EB Babes
Private
Smile
Habulan
Jeepney
Cinematic
Taho
Gondola
Laughter
Toast

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants