Marami ang nagulat nang ianunsyo ng dating miyembro ng dance group na EB Babes na si Gene Maranan na ikakasal na sila ng TV host at komedyanteng si Jose Manalo.
Ipinost ni Gene sa Instagram noong December 6 ang video ng surprise proposal ni Jose sa isang resort. Mapapanood dito na kumakanta ang TV host ng "Ikaw" ni Yeng Constantino bago niya inilabas ang singsing at lumuhod. Pagkatapos nito, binigkas ni Jose kay Gene ang mga salitang "Will you marry me?"
Naging pribado sila sa kanilang relasyon kaya marami ang nasorpresa sa kanilang engagement.
Matapos ang ilang araw, inilabas din ng couple sa Instagram ang kanilang pre-wedding photos na kinunan sa Canada at Bataan.
Winter ang tema ng kanilang romantic prenup photos sa Canada, samantalang nagsilbing backdrop naman ang cultural heritage buildings at mga sinaunang bahay na may historical background sa kanilang mga litrato na kuha sa Las Casas Filipinas De Acuzar sa Bataan.
Biro tuloy ni Jose sa kanyang caption, "Kaya panay ang PADER-MA KO."
Tingnan ang kanilang pre-wedding photos sa Bataan sa gallery na ito.
Sweet na sweet ang engaged couple na sina Jose Manalo at EB Babe Gene Maranan sa kanilang pre-wedding photoshoot sa Las Casas Filipinas De Acuzar sa Bataan.
Biro ng TV host/comedian, nagpa-facial treatment o "derma" pa siya para sa espesyal na okasyon na ito.
Tampok sa kanilang prenup photos ang ilang heritage spots sa Las Casas Filipinas De Acuzar, maging ang replica ng Hotel de Oriente, ang kinikilalang unang premiere luxury hotel sa bansa.
Hindi mawawala ang pagiging kuwela ng celebrity couple sa gitna ng kanilang photoshoot.
Tila kinilig ang soon-to-be-groom sa halik ng kanyang mapapangasawa.
Nagkakilala sina Jose Manalo at Gene Maranan sa set ng 'Eat Bulaga.'
Naging miyembro ng dance group na EB Babes si Gene Maranan.
Naging pribado sina Jose Manalo at Gene Maranan sa kanilang relasyon kaya marami ang nagulat nang ianunsyo nila ang kanilang engagement.
Abot-tenga ang ngiti ni Jose!
Matatawa ka na lang talaga sa kakulitan ni Jose!
Tampok din ang ilang Filipino symbolism sa pre-nuptial photoshoot nina Jose Manalo at Gene Maranan, gaya ng pampasaherong dyip na ito.
Tila kuha ang litratong ito mula sa isang pelikula.
Trademark na ni Jose ang kanyang signature squint.
Ang tamis ng pagtitinginan nina Jose at Gene habang nakasakay sa isang gondola.
Huli nila ang kiliti ng isa't isa.
A toast to celebrate their union. Congratulations, Jose and Gene!