Josh Ford at Kira Balinger, nakaranas ng bullying dahil sa pagiging Fil-Britt

Kahit mga kilalang personalidad, nakaranas din ng bullying. Katulad na lamang nina Josh Ford at Kira Balinger, na nakaranas ng racism dahil sa kanilang pagiging Filipino-British.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 8, binalikan nina Josh at Kira ang pagkakapareho nila bilang Fil-Brits. Ayon sa aktor, nagkaroon sila ng malalim na koneksyon dahil sa kanilang mga karanasan.
“We both have the same culture. Parang pati sa mga pinagdaanan namin, so I think that's where we connected on a different level din. Parang half British din ako, half Filipino, siya rin,” sabi ni Josh.
Dagdag pa ni Kira, “We have similar experiences po kasi sa UK with racism.”
Alamin kung ano ang kwento ng pambu-bully na naranasan nina Kira at Josh sa gallery na ito:









