Journalists, celebrities, at Pinoy viewers, nagluluksa sa pagpanaw ni Mike Enriquez

Labis na ikinalulungkot ng news industry at sambayanang Pilipino ang pagpanaw ng 24 Oras news anchor at multi-awarded journalist na si Mike Enriquez.
Pumanaw ang Radio GMA executive at highly-acclaimed broadcast journalist nito lamang Martes, August 29, 2023, sa edad na 71.
Kilala si Mike sa kanyang naging malalaking ambag sa GMA News and Public Affairs at sa mga mahahalagang naging kaganapan sa bansa.
Kabilang sa mga nagluluksa sa pagpanaw ng beteranong journalist ay sina Mel Tiangco, Arnold Clavio, Kapuso celebrities, Pinoy netizens, at marami pang iba.










