Juancho Trivino, Joyce Pring share thoughts on micro-cheating

Naniniwala ba ang mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring sa micro-cheating?
Sa pagbisista nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 4, hiningi ni King of Talk Boy Abunda ang opinyon nina Juancho at Joyce tungkol sa micro-cheating, at kung paano ito makaaapekto sa buhay ng isang mag-asawa.
Para kay Joyce, walang micro o macro cheating. Para sa kanya, kung walang integridad ang isang tao tungkol sa maliit na bagay ay wala rin itong magiging integridad sa malalaking bagay.
Sumang-ayon dito si Juancho, “Ako, feeling ko hindi naman mangyayari 'yung major cheating or 'yung macro cheating 'pag hindi mo ginagawa 'yung micro cheating.”
Ngunit argumento umano ng mga tao dito, ayon kay Boy, tao lang naman sila na nag-micro cheating at nangangakong hindi na nila uulitin ito.
Alamin sa gallery na ito ang sagot nina Juancho at Joyce tungkol dito:









