Julie Anne San Jose, inaming muntik nang sumuko sa showbiz: "I almost quit"

Ngayong 2026 ay ipagdiriwang ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ang kaniyang 20th anniversary sa showbiz. Ayon sa singer-actress, marami nang highs and lows na dumaan sa kaniyang buhay at karera.
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Biyernes, September 11, ibinahagi ni Julie na isa sa mga pinaka-high point ng kaniyang career ay ang pagtanggap sa kaniya ng GMA 20 years ago at ang pagkakaroon niya ng sariling mga kanta.
“Siyempre, pangarap ng isang singer ang magkaroon ng sariling mga songs. And being recognized din sa larangang ito. Not only here, but international din,” sabi ni Julie.
Ngunit bago niya marating ang puntong ito ng kanyang career, nagkaroon din pala ng mga agam-agam si Julie tungkol sa kaniyang pagpasok sa showbiz. Alamin ang kaniyang kuwento sa gallery na ito:









