Julie Anne San Jose, nagbahagi ng kaniyang proseso sa pagsulat ng kanta

Isinasabuhay ngayon ni Julie Anne San Jose ang kaniyang pagiging Asia's Limitless Star dahil bukod sa pagiging magaling na singer at aktres, isa rin siyang musician at songwriter. Sa katunayan, may bagong single na ilalabas ang singer-actress na pinamagatang “Simula.”
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 11, ibinahagi ni Julie na sinimulan niyang isulat ang awitin noong pandemic kung kailan, aniya, “Everything was just really blurry and hindi natin alam kung kailan tayo matatapos.”
Pag-amin ng 'The Voice Kids,' ang naturang awitin ay repleksyon ng kaniyang emosyon at mga nararamdaman noong mga panahon na 'yun.
“'Yun 'yung parang reflection of my emotions and my feelings. Parang 'yun na rin 'yung piyesa ko para sa sarili ko, na siguro hindi nalalaman din ng ibang tao or like inner struggles that I rarely talk about,” sabi ni Julie.
Inilahad din ni Julie Anne kung paano ang kaniyang writing process sa pagbuo ng isang kanta. Alamin sa gallery na ito:









