Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, nagpa-block screening ng 'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie'

Tuloy-tuloy lang ang suporta ng Kapuso stars sa mga bida ng horror film na 'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie,' na ngayon ay nasa ikalawang linggo na!
Kamakailan lang ay nagpa-block screening ang mga malalapit na kaibigan ni Miguel Tanfelix na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
Dumalo rito bilang pagsuporta ang real-life girlfriend ng aktor sa si Ysabel Ortega, na present din sa Black Carpet premiere night noong November 24. Hindi rin nagpahuli ang dati nilang 'Voltes V: Legacy' co-star na si Raphael Landicho na nakinood sa block screening.
Ito na ang ikalawang linggo ng horror film na hango sa totoong kwento ng KMJS Gabi ng Lagim The Movie. Mapapanood ang “Pocong” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kristoffer Martin at Jon Lucas, bumibida si Jillian Ward sa “Sanib,” kasama sina Ashley Ortega at Martin Del Rosario, at “Berbalang” nina Sanya Lopez, Elijah Canlas at Rocco Nacino.
Tingnan ang ilang litrato nila sa gallery na ito:




