K Brosas, reunited sa kaniyang dating manager na si Boy Abunda

Sexiest part of your body?
“My Goiter. Parang sa Raon ko ito nabili” sagot ni K Brosas kay Boy Abunda.
Walang makakapag-deny sa husay at galing sa pagpapatawa ng singer at comedienne na si K Brosas. Nasaksihan natin ito sa eksklusibong panayam ngayong Miyerkules (July 5) sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'
Napuno ng tawanan at nagbalik-tanaw sina Boy at K nang masasayang sandali nila noon sa pagbisita ni Kaye sa show.
Sa sit-down interview ni K Brosas, sinabi nito na miss na miss din niya ang kaniyang BFF na si Gladys Guevarra.
Lahad niya, “Nakaka-miss sa totoo lang. Kung tutuusin para siyang naging dati kong jowa. Sa sobrang close namin sa marami naming pinagdaanan. Of course, ang Boxers ang bumuhay, naging daan sa akin sa showbiz.”
Heto at balikan ang ilan sa masasayang moments nina Boy Abunda at dati niyang alaga na si K Brosas sa gallery na ito.
Patuloy na tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'The Seed of Love' sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.









