Kabit, magiging bestie ng legal wife sa 'Magpakailanman'

Isang kuwento ng kapatawaran ang matutunghayan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Karibal Noon, Beshie Ngayon," tungkol ito sa dalawang babae na magiging mabuting magkaibigan matapos mag-agawan ng asawa.
Isang housewife si Marie na namumuhay kasama ang asawa niyang si Joey at kanilang mga anak.
Makikilala ni Joey ang single mom na si Carol at magkakaroon sila ng relasyon.
Mabibisto ni Marie ang pakikiapid pero sa kabila nito, mapapatawad pa rin niya si Carol.
Paano sila naging matalik na magkaibigan matapos ang ganitong pagsubok?
Abangan ang brand-new episode na "Karibal Noon, Beshie Ngayon," August 23, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






