Nakamit na ni KaladKaren, o Jervi Li sa totoong buhay, ang inaasam niyang wedding proposal mula sa kaniyang fiancé na si Luke Wrightson.
Una siyang na-engage noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown at kuwento ni KaladKaren, nangyari ito sa mismong balkonahe ng apartment na tinutuluyan nila sa panahong iyon.
Ngunit hindi doon nagtapos ang sorpresa ni Luke dahil kamakailan lang ay isinagawa na nito ang kaniyang Proposal 2.0 at ginanap ito sa London, England.
Sa post ni KaladKaren sa kaniyang Instagram account, sinabi niyang “Heart is full, hand is heavy!”
“Luke and I got engaged in the middle of pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn't even have the chance to have a proper photoshoot until now,” sulat niya sa caption ng kaniyang post.
Inakala niya na ordinary prenup shoot lang ang mangyayari kaya sobrang gulat ng TV personality nang mag-propose uli si Luke sa kaniya.
“Sobrang gulat ko nang muli siyang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu Worth the wait! You make me the happiest, my love!” pagtatapos niya sa kaiyang post.
Tingnan ang dreamy proposal ni Luke para kay KaladKaren sa gallery na ito:
Hindi inaasahan ni KaladKaren ang "Proposal 2.0" na ito mula sa kaniyang fiancé at ang akala niya ay ordinaryong prenup shoot lang ito.
Kaya naman laking gulat niya nang mag-propose uli si Luke at this time may photoshoot na sila, isang bagay na hindi nila nakuha noong 2020.
Nakaluhod at ipinakita ni Luke ang engagement ring na inihanda niya para kay KaladKaren nang mag-propose siya sa kanilang favorite city na London.
Hindi maitago ni KaladKaren ang saya at hindi mapigilang mapaluha nang tanggapin niyang muli ang alok na kasal ni Luke.
Puno rin ng kasiyahan si Luke nang tanggapin muli ni KaladKaren ang kaniyang alok na kasal.
Marami naman ang nagpadala ng kanilang congratulatory message kabilang na ang ine-impersonate niyang news anchor na si Karen Davila. Aniya, "CONGRATULATIONS dear @kaladkaren I am so happy for you both!!!! Sending my love!"
Marami naman ang nagpadala ng kanilang congratulatory message kabilang na ang ine-impersonate niyang news anchor na si Karen Davila. Aniya, "CONGRATULATIONS dear @kaladkaren I am so happy for you both!!!! Sending my love!"
Puno ng saya ang magkasintahan habang kinukunan sila para sa kanilang prenup shoot.
Sinelyuhan nina KaladKaren at Luke ang kanilang pag-iibigan ng isang halik.
Sa ngayon ay nakatingin lang ang dalawa sa kanilang hinaharap na magkasama.