News
Kaldag ng 'Bubble Gang' Sexballs, nagpainit online!

Isa sa mga most-applauded moment ng grand reunion concert ng SexBomb Girls ang showdown nila sa 'Bubble Gang' parody group na Sexballs, na binubuo nina Michael V., Ogie Alcasid, Antonio Aquitania, at Wendell Ramos.
Ang 'Get, Get Aww!' ay ginanap noong December 4 sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Sa Facebook post ng Batang Bubble na si Wendell, tuwang-tuwa siya na muli niyang nakasama sa stage ang OG Bubble Gang boys.
Sabi niya, “To everyone who cheered for the OG bubbleboys, salamat po Sa lahat ng naka appreciate sa akin.. Mahal ko kayo.”
Heto ang ilan sa viral moments ng Sexballs sa reunion concert ng SexBomb Girls sa gallery below.






