Kapuso actor, inayang mag-dinner for P500K a night

Inilahad ng isang Kapuso hunk sa The Boobay and Tekla Show ang most shocking message na natanggap niya sa social media.
Ang aktor na ito ay isang dating child star na ngayon ay isa na sa hunks ng showbiz.
Nang bumisita ang Kapuso actor kasama ang kanyang girlfriend sa programa, tinanong ni TBATS host Tekla kung ano ang reaksyon ng aktres sa tuwing nagpo-post ang kanyang nobyo ng sexy photos.
“Sabi ko naman sa kanya umpisa palang, kung saan ka masaya, suporta ako,” aniya.
Ayon kay Boobay, nang dahil sa daring photos ng aktor na ito, tiyak na marami ang nagme-message sa kanya online.
Tinanong ng Kapuso comedian ang Kapuso hunk kung ano ang pinaka-shocking na mensahe ang natanggap nito.
“Parang… 'Can we have dinner tomorrow night?' English. 'Maybe PhP500,000 for a night' parang gano'n,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, “Ang sabi pa, 'No one will know' parang gano'n.”
Nang tanungin ni Boobay ang 25-year-old artist kung ano ang initials ng taong nag-message sa kanya nito, sagot ng hunk actor, “Parang mga poser account, nangti-trip lang yata.”
Sino kaya ang Kapuso hunk na ito? Alamin sa video na ito.
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.
Samantala, tingnan ang naging reaction ng ilang artista sa indecent proposal dito:










































