Nagmistulang grand collaboration ang premiere night ng pinagbibidahang pelikula nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio na 'Only We Know' na idinaos sa isang malaking mall sa Mandaluyong City nitong Martes, June 10.
Ilan sa A-list celebrities mula sa Kapuso at Kapamilya network ang dumalo sa big movie event tulad nina Bianca Umali, Ruru Madrid, Michelle Dee, Rhian Ramos, at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
Present din sa 'Only We Know' premiere night sina Kathryn Bernardo at Iza Calzado.
Labis naman ang tuwa ni Dingdong Dantes nang makapanayam ng 24 Oras na mapanood ng moviegoers ang pinaghirapan nilang proyekto.
Saad niya, “Very special sa amin ang pelikula na 'to kaya sobrang excited na namin i-share sa lahat ng mga puwede manood. Hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi all over the world.”
Sinegundahan naman ito ni Charo na: “We're so overwhelmed, we're so grateful, but we promise a beautiful experience.”
Para naman sa director ng pelikula na si Irene Emma Villamor, malaki ang tiwala niya na nakabuo sila ng napakagandang film at nawa'y magustuhan ito ng mga tao.
Present si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Celebrity Premiere ng Only We Know, na bagong pelikula ng kaniyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Kasamang naglakad ni Marian Rivera sa red carpet si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Magkasamang naglakad sa red carpet ang celebrity couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.
Spotted sa premiere night ng Only We Know ang Sang'gre actress na si Sanya Lopez.
Magkasamang dumating sa Only We Know premiere night ang Sang'gre stars na sina Rhian Ramos at Michelle Dee, na all-out ang support sa kanilang celebrity friend na si Max Collins na kabilang sa cast ng nasabing pelikula.
Spotted din sa red carpet ng Only We Know ang Beauty Empire star na si Kyline Alcantara.
Dumating din sa Only We Know premiere night ang aktres na si Kathryn Bernardo.
All smiles na dumating ang OG Sang'gre na si Iza Calzado sa red carpet ng Only We Know premiere.
Pinuri ni Michael Sager ang pelikula matapos itong mapanood sa premiere night, "What a great film." Nagpakuha rin ang aktor ng larawan kasama si Charo Santos-Concio.
Masayang naglakad sa red carpet at nakipag-selfie sa fans si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Present din sa Only We Know premiere night ang ex-PBB housemates na sina AC Bonifacio at Kira Balinger.