News
Kapuso celebrities na naging voice actors

Sa panahon ngayon, karaniwan na ang multi-talented na celebrities at personalities. Bukod sa pag-arte, marami na rin ang marunong ding mag-host, kumanta o sumayaw. May ilang celebrities din na gamit ang kanilang boses para maging voice actors.
Kamakailan lang ay ipinakilala si Bianca Umali bilang boses ng titular character sa upcoming animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko. Samantala, pinakilala naman sina Dingdong Dantes at ang panganay niyang anak na si Zia bilang parte ng pinakabagong Pinoy-made animated series na Sun Chaser.
Kilalanin ang iba pang Kapuso celebrities na nagpahiram ng kanilang boses sa animated projects sa gallery na ito:









